digital subscriber line (dí•dyi•tál subs•kráy•ber layn) : tinatawag ding digital subscriber loop; teknolohiyang nagkakaloob ng transmisyon ng datos na dihital sa pamamagitan ng lokal na network ng telepono
digital (dí•dyi•tál) 1: hinggil o may kinalaman sa digit 2: pinatatakbo o ginawâ sa pamama-gitan ng mga signal o impormasyon na kinakatawan ng mga digit 3: nagpapakíta ng oras sa pamamagitan ng mga digit 4: nakabatay ang operasyon sa mga datos na kinakatawan ng mga digit, karaniwang 0 at 1
water line (wá•ter layn) : guhit na nakapalibot sa gilid ng sasakyang pantubig at tinatamaan ng tubig na nagsisilbing pananda sa bigat ng kargamento
leger line (lé•dzer layn) : maikling linyang idinadagdag kung kailangan sa itaas o ibabâ ng staff upang itaas ang tono.
International Date Line (ín•ter•na• syo•nál deyt layn) : linyang hilaga timog na naglalandas sa Pacific Ocean, una nang isang araw sa silangan nitó ang petsa sa kanluran